Big oil price hike sa Martes ikakasa

MAGAPA-GAS na dahil sa Martes, malakihang oil price hike ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis.

Aabot sa P2.10 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel habang nasa P1.90 naman ang iaakyat ngkada litro sa presyo ng gasolina at P1.80 naman sa kerosene o gaas.

Ito ang ikalawang linggo na may pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Noong Hulyo 11, nagpatupad ng 75 sentimos na dagdag singil sa presyo sa kada litro ng diesel at 50 sentimo naman sa kerosene. Bumaba naman ng 20 sentimo kada litro ang presyo ng gasolina.