BBM: ‘Very good satisfaction rating’ is ‘encouraging’

HINDI man daw siya masyadong tumitingin sa mga survey, natutuwa pa rin si Pangulong Marcos sa kinalabasang “very good satisfaction rating” na natanggap niya mula sa Social Weather Stations (SWS) nitong huling quarter ng 2022.

“I don’t really look at surveys kasi… But it’s always encouraging to know that naunawaan ng tao ‘yung aming ginagawa,” ayon kay Marcos bilang tugon sa 75 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing satisfied sila sa kanyang performance.

“So we will just keep going and keep everybody informed kung ano’ yung aming ginagawa,” dagdag pa ni Marcos.

Sa survey na isinagawa ng SWS noong Dis. 10 hanggang 14, umakyat pa sa apat na puntos ang nagsabi na satified sila sa performance ng pangulo.

Nakakuha siya ng 75 percent mula sa 71 percent na naitala noong Oktubre 2022.