Arrest warrant vs 6 pulis na dawit sa pagpatay sa 17-year-old

NAGPALABAS na ng arrest warrant ang Navotas Regional Trial Court Branch 286 laban sa anim na pulis na dawit sa pagpatay sa 17-anyos na si Jemoboy Baltazar.

Ang arrest warrant ay inisyu laban kina Master Sergeant Roberto Balais Jr., Staff Sergeant Gerry Maliban, Staff Sergeant Antonio Bugayong, Staff Sergeant Nikko Esquilon, Corporal Edmark Jake Blanco, at Patrolman Benedict Mangada.

Ang anim ang tinuturong may kagagawan sa pagpatay kay Baltazar noong Agosto 2 sa Barangay NBBS Kaunlaran.

Ayon sa kasama ng biktima na inihahanda nila ang kanilang bangka nang dumating ang mga pulis at pilit silang pinabababa. Anya, susuko naman anila sila ni Baltazar ngunit patuloy umano silang pinagbabaril dahilan para tumalon ang 17-anyos na biktima sa tubig.

Giit ng pulis na mistaken identity ang nangyaring pamamaril.