Anak na si Santino ibinida ni Claudine

MAINGAY ang social media matapos i-share sa publiko ng aktres na si Claudine Barretto ang larawan niya kasama ang anak na si Santino.

“Wow 🤩Finally he agreed to have his picture taken with me.i promised not to post this though 😳😘🥰#Saint,” ani Claudine sa Instagram post.

Dagdag niya, nahirapan siyang kumbinsihin ang anak na magpa-picture kasama siya.

“Pag binata na ayaw na magpa video or pa picture. Kailangan i bribe,” ani Claudine.

Si Santino ang anak ni Claudine sa dating asawang si Raymart Santiago.