Daily average ng Covid-19 cases umakyat sa 23%

UMAKYAT sa 23 porsiyento ang daily average case ng coronavirus disease (Covid-19) mula Abril 10 hanggang 16, ayon sa Department of Health (DoH).

Sa tala, may 341 daily infections mula sa 278 na nairekord sa pagitan ng Abril 3 hanggang 9.

Sa kabuuan, may 2,386 bagong kaso ang naitala habang 20 ang nairekord na nasawi dahil sa sakit.

Bumaba naman ang bilang ng mga kaso ng severe at critical infections sa 356 mula sa naunang tala na 378.