Alden present sa housewarming ni Kathryn

ISA ang aktor na si Alden Richards sa mga taga-showbiz na dumalo sa housewarming/blessing ni Kathryn Bernardo nitong Huwebes ng gabi.


Sa video na shinare ng Alden-Kathryn page sa Instagram, makikita si Alden at Kathryn na nag-shot ng tequila kasama ang fashion designer na si Mark Bumgarner,


Bukod kay Alden at Mark, spotted din sa party sina Dimples Romana, Gelli de Belen, Chie Filomeno, ABS-CBN executives Cory Vidanes at Carlo Katigbak.


Matatandaan na sinimulang itayo ang P250 million dream house ni Kath at ng kanyang pamilya noong 2020.


Nitong December nagsimulang lumipat ang pamilya sa kanilang Rizal estate.