AJ nag-post ng beach photo; sagot sa buntis issue?

ILANG araw makaraang maibalitang nagdadalang-tao, ibinida sa social media ng aktres na si AJ Raval ang kanyang flat na tummy sa ilang beach pics.

ipinost ni AJ sa Instagram ang video niya na tanging puting string bikini lang ang suot.

Nitong nakaraang linggo ay isiniwalat ni Cristy Fermin na buntis ang aktres at ang rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica ang ama.

Itinanggi naman ito agad ni AJ at sinabing nagpositibo siya hindi sa pregnancy test kundi sa Covid-19.