Abang-abang na: Christmas gift pack sa Manila residents ibibigay next week

SISIMULAN na sa isang linggo ng Manila City government ang pamamahagi ng Christmas gift packs sa mga residente nito.

Sa isang kalatas, sinabi ni Mayor Honey Lacuna na 695,000 pamilyang Manileño ang makatatanggap ng gift pack simula Disyembre 1 hanggang 12.

Tiniyak ng alkalde na lahat ng pamilya ay makakakuha ng regalo, kahit na ano pa ang econimic status nito.

Laman ng gift box na ipamamahagi ay spaghetti noodles at sauce, fruit cocktail, bigas, all-purpose cream at ilan pang mga delata.

Bukod sa gift box, hiwalay namang makatatanggap ng gift box ang may 180,000 senior citizen simula Disyembre 13 hanggang 15.