48% Pinoy naniniwalang gaganda takbo ng ekonomiya sa susunod na 12 buwan

NANINIWALA ang 48 porsiyento ng mga Pinoy na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.

Base sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula Disyembre 10 hanggang 14, 33 porsiyento naman ang nagsabi na walang magiging pagbabago at siyam na porsiyento naman ang naniniwalang lalala pa ito.

Nangangahulugan ito ng net economic optimism nA +40. Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 na respondents sa buong bansa.