2 nabagsakan ng puno ng niyog, patay

NASAWI ang magkapatid sa Jimalalud, Negros Oriental nitong Linggo matapos silang mabagsakan ng puno ng niyog.

Sakay ng motorsiklo ang magkapatid na sina Karl Darwin at Clyde Magos nang bumagsak sa kanila ang isang puno ng niyog.

Patungo sa beach ang magkapatid para makisali sa pagdiriwang ng Easter Sunday nang maganap ang aksidente.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngaunit idineklarang dead on arrival.