Kampanya Elektoral 2022

Tatlong personahe kandidatong tampok
Sa pagkapangulo pipiliing manok,
Dalang plataporma sa usisa’y dumog,
Sino’ng nilalangaw at sino’ng may hakot?

Itong si BBM anak ng diktador,
Nalulong sa layaw tustos ng dinambong,
Ang ina’y convicted, diploma’y dinoktor.
Sakalam sa lespu kaya di makulong;

“VP Leni naman!” sigaw ng kakampinks
Binansagang lugaw ng sa kanya’y inis,
Abogadang tunay wholesome na pamburgis
Paketeng liberal tinimpi ang bangis;

Leody de Guzman uring manggagawa,
Radikal ang puntong mga panukala,
Talas sa debate audyens ay namangha,
Talab ng impresyon sa lungsod ‘tinaga.