Digong: May kandidato na nagko-cocaine

MAY matinding pasabog na ginawa si Pangulong Duterte.

Ayon kay Duterte merong isang kandidato ang gumagamit ng cocaine, at wala pa umano itong napatunayan. Ang tanging maipagmamalaki umano nito ay ang pangalan ng ama.

“May kandidato tayo na nagko-cocaine. Mga anak ng mayaman. Anong nagawa ng taong ‘yan? What contribution has he made? Bakit parang ang Pilipino, lokong-loko,” pahayag ni Duterte sa pagbisita nito sa Mindoro.

“Ang akin lang, pagdating ng panahon, basta sinabi ko sa inyo: he is a very weak leader, except for the name… ang tatay… Pero siya, ano ang ginawa niya? If that’s what the Filipino wants, go ahead,” dagdag pa nito.