The grand plan

SO, natapos na ang rigodon at kulitan noong Lunes. Sa wakas, alam na natin ang “final answer” ng lahat ng players. At sa totoo lang, yun din naming inaasahan ng lahat ang kinalabasan.

Presidente si Bong Go o si Bongbong Marcos, depende kung saan pader ka ng administrasyon nakahilig. Vice President si Inday Sara Duterte at Senator si Pangulong Rodrigo Duterte.

Simple, malinis, walang masyadong tse-tse-buretse.

Pero teka, papaano na lang yung presidente? Sa socmed ngayon, mukhang hati ang DDS. Meron hard liner na ang susundin ay si Digong at Bong Go ang direksiyon, meron namang Sara babies na susundin ang BBM tandem niya.

Hindi ba kaya sa kalaunan ay malugi ang overall Duterte team dahil kung mahati ang boto sa president ay baka makalusot sina Isko o Leni? Ngayon pa na nauusukan na ang kandidatura ng batang Maynila at ang mga Pinklawans.

Bagama’t malakas talaga ang hatak ni BBM sa kasalukuyan (47% ang kanyang base sa tsismis ng SWS survey na pinagawa raw ng 1Sambayan) eh ibang klase naman ang dedikasyon ng mga DDS kay Pangulong Digong.

Pag nagkataon, mahahati ang boto nila (sa simpleng math ay tig-23.5% si BBM at SBG) at ang 27% ni Leni (base sa tsismis ng SWS survey na ipinagawa daw ng 1Sambayan) ay magluluklok sa VP sa Malakanyang.

Disaster yan mga katoto sa administrasyon. Eh wala pa naman may balak umatras sa dalawang bida natin.Pero yan ay kung aabot nga sa ganung sitwasyon.Kung hindi, meron nag-tsismis sa akin ng “Grand Plan!” Alam na ba ninyo ito? Malamang kasi tsismoso din kayo tulad ko.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]