GMA tatakbong kongresista

BALAK bumalik sa Kamara ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang sinabi ng kanyang anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo sa panayam ng ABS-CBN nitong Biyernes.

“She’s accepted the CONA that means it’s a go right,” ayon kay Mikey kasabay ang pagsasabi na siya mismo umano ang nagkumbinsi sa ina para bumalik sa Kamara.

Siya rin umano ang tatayong campaign manager ng dating pangulo.

Si Arroyo ang kauna-unahang babaeng Speaker na nangyari noong 2018 hanggang 2019 matapos ang kontrobersyal na coup na siyang nagpatalsik sa dating kaalyado ni Pangulong Duterte na si Pantaleon Alvarez.