12 bakunado na madre positibo sa Covid19

AABOT sa 12 fully-vaccinated na madre ng Carmelite Sisters sa Tanay, Rizal ang tinamaan ng Covid-19.


“We are 18 sisters in the monastery and 12 sisters tested positive for Covid. We are fully vaccinated except for one sister who is still taking chemo tabs,” ayon sa kalatas ng Carmelite Sisters.


Sinabi mga madre na nakararanas ng mild symptoms ang ilan habang asymptomatic naman ang iba.
Dagdag ng mga ito, “maayos” naman ang kalagayan ng mga nagpositibo sa virus.


Humihingi ng dasal ang mga madre para sa kanilang agarang paggaling.


Sinigurado rin nila na patuloy ang pananalangin ng mga ito upang matapos na ang pandemya. –A. Mae Rodriguez