BL series ‘Gameboy’ nominado sa 2021 Int’l Emmy Kids Awards

NOMINADO ang Filipino boys’ love series na “Gameboy” sa 2021 International Emmy Kids Awards.

Pinangungunahan ito nila Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Kwento ito ng dalawang teenager na nagkakilala online hanggang pareho na silang ma-in-love sa isa’t isa.

Ang Australia, Netherlands, at Argentina ang ilan pang bansa na nominado rin sa nasabing international awards.

Ang International Emmy Kids Awards, ay unang isinagawa noong 2013 sa New York.
Ito ay itinayo para kilalanin ang ang mga children’s programming hindi lamang sa Estados Unidos kundi sa ibang bansa.