Heart sa pagbubuntis: Tama na ang pressure

SINUPALPAL ng fashion icon/actress na si Heart Evangelista ang mga bashers tungkol sa pangungulit ng mga ito sa kanyang pagbubuntis.

Giit ni Heart, masaya siya buhay niya kahit wala pa silang anak ng mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

“Stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle.”

“I’m not mad just furious how people think na need mo magkaanak para maging masaya . I am already a happy person and grateful… Tama na ang pressure.”

Chika pa ni Heart, hindi perpekto ang buhay niya.

“Wag kayong magalala nobody has a perfect life… my life is far from that.”