Last na ‘to: ‘Fast and Furious 10’

INANUNSYO kamakailan ng producer ng ‘Fast and Furious’ na ilalabas nito ang ika-10 serye ng pelikula na siya namang magbibigay konklusyon sa movie franchise.

Sa ulat ng Deadline, sinabi ng Universal Pictures, ipapalabas ang huling serye sa April 7, 2023.

Ang lead actor na si Vin Diesel ang mag-aanunsyo ng official title ng movie.

Ayon pa sa report, hahatiin sa dalawang bahagi ang huling serye. Sinasabi na ipalalabas ang huling bahagi sa 2024.