Teenager tustado sa kidlat


PATAY ang 17-anyos na mangingisda matapos tamaan ng kidlat habang nasa gitna ng dagat.


Ayon sa ulat, pumalaot ang binata at ang kanyang ama sa dagat na sakop ng Bien Unido, Bohol nitong Miyerkules ng umaga.


Nanghuhuli ng isda sa fish pen ang biktima nang tamaan ng kidlat at mahulog sa tubig.


Nang hindi makita ang anak ay humingi na ng tulong sa mga otoridad ang ama.


Makalipas ang isang oras ay natagpuan ang bangkay ng binata.


Ayon sa Municipal Health Officer ng bayan na si Dr. Dennis Lua, nagtamo ng matinding sunog sa katawan ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito. –A. Mae Rodriguez