Ai Ai delas Alas: Buhay pa ko, mga g*go!

HALOS umusok ang ilong sa galit ni Ai Ai dela Alas sa balitang kumalat online na namatay na siya dahil sa mga komplikasyon sa sakit na diabetes.


Sa Instagram, ipinost ni Ai Ai ang screen shot ng YouTube channel na naglabas ng video na may pamagat na “Pumanaw na ang aktres na si Ai Ai delas Alas.”


Hindi napigilan ng komedyana na magmura dahil maraming mahal sa buhay niya ang naniniwala sa balita
Aniya: “Sa totoo lang mga g*go gumagawa nito … na stress ate ko dito at saka iba kong friends sa abroad ano ba napapala nyo sa pag gawa ng ganito ??? pampadami ng views.. (sa ganitong paraan ??? kung ano ano nalang namatay daw ako sa sakit na diabetes.”


“MGA G*GO 5 years na ko walang sugar sa katawan except fruits at coco sugar mga siraulo, mangmang inutil!!!!!” dagdag niya.


Pero kahit nagagalit ay nagawa pa rin ni Ai Ai na magpatawa.


“Buti na lang maganda ginamit nilang picture kundi mas mababa pa sila sa inutil at mangmang!!! Hinulma sa tae ang kaisipan,” hirit niya. –A Mae Rodriguez