Ex-Chief Justice Bersamin bagong Executive Secretary

PORMAL nang nanumpa ngayong araw si dating Chief Justice Lucas Bersamin bilang bagong Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos.

Pinalitan ni Bersamin, 72, si dating executive secretary Vic Rodriguez matapos itong magbitiw sa kanyang puwesto sa harap ng mga kontrobersiya na kanyang kinasangkutan.

Inaasahang dadalo na si Bersamin sa isasagawang pulong ng Gabinete ni Marcos sa Malacanang.

Tubong Bangued, Abra ang dating Punong Mahistrado na itinalaga ni dating Pangulong Duterte noong 2018. Nagretiro siya noong 2019.

Kasalukuyang chairman si Bersamin ng Government Service Insurance System.