Ogie Alcasid nadale ng Covid

HINDI nakadalo si Ogie Alcasid sa “ASAP Natin To” ngayong Linggo matapos siyang magpositibo sa Covid-19.

Ibinahagi ng singer-songwriter ang balita sa kanyang Instagram page sa pamamagitan ng mga photos ng dalawang positive antigen tests.

“After two and a half years since the lockdown, today Aug 14 2022, inabot din. Let’s do this Lord,” caption niya.

Agad namang nagpadala ng get-well messages ang mga kaibigan niyang celebrities kabilang sina Gary Valenciano, Jaya, Vina Morales, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Janno Gibbs, Chito Miranda, Ryan Agoncillo, at Joshua Garcia.