Abogadong Pinoy agaw-buhay matapos mabaril sa Amerika

AGAW-buhay ngayon ang isang abogadong Filipino na bumibisita lamang sa Philadelphia, USA matapos ang random shooting.

Ito ay taliwas sa naunang balita ng Philippine Consulate General sa New York na nasawi ang abogadong si John Albert Laylo mula sa Taguig City.

Kasama ng biktima ang kanyang nanay sakay ng isang kotse patungong airport para sa kanilang flight papuntang Chicago nang pagbabarilin ang kanilang sasakyan.

“We are saddened by the death of a kababayan in a random shooting incident in Philadelphia,” sabi ni Consul General Elmer Cato sa isang tweet ngayong Linggo.

Tinamaan umano si Laylo sa ulo ng bala, habang ang ina naman ay sugatan dahil sa mga tumamang basag na salamin.

Gayunman, iwinasto ng Konsulado ang nauna nitong ulat, at sinabi na nananatiling nasa life-support ang biktima.