Bela Padilla balik-Pinas

MULING nakasama ni actress/director Bela Padilla ang mga kaibigan sa pag-uwi nito sa Pilipinas.

Kabilang sa kanyang nakasama si Dani Baretto.

“Back in the tropics…we’ve only been here two whole days but I feel like we’ve seen so much of Manila already,” chika ni Bela.

Kasama ni Bela na bumalik sa bansa ay ang kanyang boyfriend na si Norman Bay.

Ibinahagi rin naman ni veteran actress Agot Isidro na masaya siya sa pag-uwi ni Bela sa bansa.

“Happy to see you back in the homeland, beautiful,” sinabi ni Agot.

Si Padilla ay lumipad palabas ng bansa noong Hulyo 2021 at nagpahayag na maninirahan sa London.