Babae namatayan ng 26 kaanak sa landslide; publiko nagluksa

MAHIGPIT na yakap ang nais iparating ng publiko kay Mantizza Polvera matapos itong mawalan ng 26 kapamilya dahil sa bagyong Agaton na sumalanta sa maraming bahagi ng Visayas at Mindanao.

Tanong nga ng marami, paano mo nga naman mo ipagluluksa kung sabay-sabay sumakabilang-buhay ang iyong mga mahal sa buhay?

Nasawi ang maraming myembro ng pamilya ni Polvera dahil sa landslide.

Nakaburol ang ilan sa mga kaanak ni Mantizza sa covered court ng Brgy. Imelda, Baybay City, Leyte, na isa sa mga binayo ng bagyo kamakailan.Umabot na sa 101 ang naitalang nasawi sa paghagupit ni “Agaton.”

Sa ulat, umabot na sa 148 ang nasawi dahil sa landslide at pagbaha dahil sa bagyo.