Davao Occidental nilindol

NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Occidental alas-10:22 ng umaga Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanoloy and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang sentro ng lindol na may lalim na 64 kilometro sa 388 kilometro silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershock sa nangyaring pagyanig.

Samantala, naitala rin ang magnitude 4.4 na lindol kaninang alas-8:12 ng umaga sa Pangasinan.

May sentro ang lindol na may lalim na 11 kilometro, 73 kilometro kanluran ng Agno, Pangasinan.