IPINAGTANGGOL ng Commission on Human Rights ang isang transgender blogger na pinatayan ng microphone at ilaw habang nagtatalumpati sa graduation ceremony sa Dasmariñas, Cavite kamakailan.
Hindi kinilala ng CHR Gender Equality and Women’s Human Rights Center ang biktima ng diskriminasyon pero naiulat sa media, maging ng PUBLIKO, ang naranasang pambabastos kay Sasot sa graduation rites ng Southern Philippines Institute of Science & Technology sa Church of God auditorium sa Dasmarinas City nitong Biyernes.
Pinaalalahan ng CHR ang publiko na itigil ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBTQ community.
“We note with concern the acts of discrimination committed against a transgender Filipina blogger during the graduation rites in a school in Dasmarinas, Cavite. Lights and microphones were turned off and statements were issued justifying a policy of excluding members of the [LGBTQI] community as they would desecrate the church’s spaces,” ayon sa CHR.
Iginiit pa ng CHR na ang karapatan ng LGBTQ ay karapatang pantao.
“As the country celebrates Pride Month, the Commission as Gender Ombud takes the occasion to reiterate that all persons are born equal in dignity and rights. A persons’ sexual orientation, gender identity and/or expression should never be the basis of stigma and discrimination,” dagdag nito.