Panda’ may new owner na

MATAPOS mag-trending ang mga larawan ng asong si Panda na iniwan ng kanyang owner na lungkot na lungkot din, may bago nang tahanan ang aspin.

Sa video na ipinost ng Philippine Pet Birth Control Foundation, ipinakita nito na may bago nang mag-aampon kay Panda.

Nag-viral si Panda at ang letter ng kanyang owner na malungkot na malungkot na ibinilin sa kung sino man ang makakakita sa kanya na alagaan itong mabuti.

Sa letter, sinabi ng owner nito na kailangan niyang gawin (ang pag-iwan) sa kanyang alaga dahil lagi itong pinagagalitan ng kanyang nanay.

Si Melanie Ram ang bagong owner ng aso.