Kotse regalo ni Whamos sa GF

NIREGALUHAN ng kotse ng social media personality na si Whamos Cruz ang kanyang live-in girlfriend na si Antonette Gail del Rosario sa kanilang 14th monthsary.

Sa vlog, sinabi ni Whamos na gagawin niya ang lahat mapasaya lang si Antonette.

“This time dahil monthsary namin, 14th monthsary namin ni Antonette, isu-surprise ko siya ng isang magandang surprise,” aniya.

“Noong mga nakaraang araw wala akong naibigay sa kanya pero ngayon, bibigyan natin siya ng siguradong magugustuhan niya,” dagdag ni Whamos.

“Binili ko to para kay Antonette para kung may pupuntahan siya pwede niya ito gamitin. Ginagawa ko to dahil sobrang mahal na mahal kita,” sey pa ng vlogger.

Sagot naman ni Antonette nang makuha ang susi ng sasakyan: “Thank you so much mahal ko, Happy 14th months of love.Thank you sa NEW CAR!!!! Mahal na Mahal ko kayo ni BABY METEOR.”

“Madami pa tayo pagdadaanan mahal, sabay nating abutin mga achievements natin na kasama si baby meteor. more power & grind lang tayo mahal,” aniya pa.

Nagpasalamat din si Antonette sa mga followers nila ni Whamos.

“Salamat din po sa lahat ng sumusuporta samin, Mahal namin kayo!” sey niya.