Kelot nagwala sa simbahan; imahen wasak

SWAK sa kulungan ang lalaki na nag-amok sa loob ng San Isidro Labrador Parish Church sa Brgy. Santo Rosario, Binalbagan, Negros Occidental at nanira ng mga imahen nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa pulisya, dumating ang lalaki sa kalagitnaan ng misa, biglang lumapit sa tabernakulo at pinagwawasak ang laman nito.

Hindi pa nakuntento, winasak din ng lalaki ang mga imahen at poon.

Napag-alaman na aabot sa P300,000 ang halaga ng mga nasira dahil ang iba rito ay ilang daan taon na ang edad.

Ipasusuri naman ng pulisya ang suspek na umano’y may sakit sa pag-iisip.