JV Ejercito nakabuntis? It’s a big lie

MARIING itinanggi ni Senador JV Ejercito ang kumakalat na chismis na nakabuntis diumano siya ng kanyang staff.

Sinagot ng diretso ni Ejercito ang tanong ng isang netizen sa Twitter hinggil sa pagkakabuntis diumano niya sa kanyang Chief of Staff.

Sa Twitter post may nagtanong na: “Hahaha tahimik ka ata @jvejercito. Busy mag settle sa nabuntis mong chief-of-staff? Lol.”

At hindi naman ito pinalagpas ni Ejercito at agad din itong sinagot.

“Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao,” ayon kay Ejercito na ang tinutukoy ay ang babaeng staff sa kanyang opisina.

“Nanahimik kami, ang nagtatrabaho, wag kami idamay sa ganyang chismis. Be responsible,” dagdag pa ng senador.