Imahe ni Digong nililok ng Bulacan artist

BUMILIB ang publiko sa isang alagad ng sining na lumilikha ng mga detalyadong iskultura, kabilang ang kay Pangulong Duterte.

Napag-alaman na tatlong-taong-gulang pa lamang ay nagdo-drawing at lumililok na si Enrico Viudez ng San Ildefonso.

Isang dating empleyado ng animation company, kasalukuyang nagtuturo ng sculpting sa iba’t-ibang rehiyon si Viudez.

Polymer clay ang kanyang ginagamit sa paglililok.

Isa sa kanyang tinatapos na obra ay ang imahe ni Duterte. Aniya, anim na buwan niya itong ginagawa dahil gusto niyang makuha nang sakto ang mga detalye.

Ayon kay Viudez, pangarap niyang magkaroon ng exhibition para sa kanyang mga likha.