Enrile nag-trending din dahil sa pagpanaw ni Queen Elizabeth

KASABAY ng pagte-trending ni Queen Elizabeth dahil sa kanyang pagpanaw, hindi rin pinalagpas ng mga netizens ang pagpapatrend kay dating Senador at ngayon ay Presidential Chief Legal Adviser Juan Ponce Enrile.

Ito ay dahil na-outlive ni Enrile, 98, ang reyna ng Inglatera na pumanaw sa edad na 96.

Muli ay naglutangan ang samu’t saring memes tungkol kay Enrile na hanggang ngayon ay palaban pa rin kahit malapit nang magsentenaryo ang edad.