11 insunto ng parricide sa pagsunog sa 84-anyos na lola

KINASUHAN na ng parricide ang 11 miyemrbo ng isang pamilya matapos ang panununog sa isang 84-anyos na lola sa Misamis Oriental noong Agosto 30, 2022.

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Misamis Oriental Provincial Police Office OIC Police Col. Gonzalo Villamayor Jr. na away sa kulto ang inituturong ugat ng ginawang panununog sa biktima na nakilalang si Teofila Camungay.

“Isang anak na lalaki, tatlong anak na babae, grandchildren, in-law, kapatid ng in-law. Confirmed lahat na mga kamag-anak ang nanunog,” sabi ni Villamayor.

Ayon kay Villamayor, nais umano ng mga suspek sa pamumuno ng apong si Crisanto Ercilla na magtayo ng hiwalay na kulto.

Hindi umano pumayag ang biktima na humiwalay sa orihinal na kulto kayat nagalit ang kanyang mga kaanak.

Sinabi ni Villamayor na nagsagawa pa ng ritwal ang mga suspek bago ihagis ang biktima sa apoy.