NAKASUNGKIT ng FIBA World Cup record ang Pilipinas matapos itong makapagtala ng 38,115 fan attendance ngayong Biyernes, Agosto 25, sa loob ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Dinagsa ng mga Pinoy basketball fans ang PH Arena para sa unang laro ng Gilas Pilipinas laban sa Dominican Republic na pinangungunahan ng NBA player na si Karl-Anthony Towns.
Halos mapuno ng mga Pinoy ang 55,000-capacity ng Arena dahilan para ma-oust ang biggest crowd attendance holder na nakuha ng Toronto noong 1994 World Cup Finals na nagtala ng 32,616.
Dinaluhan din ni Pangulong Bongbong Marcos at iba pang mga opisyal ng pamahalaan ang opening game ng Pilipinas kontra Dominican Republic.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-host ang bansa para sa FIBA. Noong 1978 ito unang nag-host.