Alex Eala pasok sa 2025 Eastbourne Open championship

NAITAWID ng Filipino rising tennis star na si Alex Eala ang semifinals round ng 2025 Eastbourne Open matapos nitong talunin ang Pranses na si Varvara Gracheva ngayong Hunyo 27 sa England.

Dahil dito, gumuhit si Eala sa kasaysayan ng bansa bilang kauna-unahang Pinay na nakatungtong sa WTA final.

Tinalo ni Eala si Gracheva sa iskor na 7-5, 2-6, 6-3.

Sa panayam sa Pinay, maluha-luha nitong binanggit na sobrang saya niya dahil nga sa matindi ang laban na kanyang sinuong.

“I’m like, super, super happy because that was a tough match,” anya

Makakalaban ni Eala sa final sa Sabado, June 28, ang mananalo sa pagitan ng Australian na si Maya Joint at Anastasia Pavlyuchenkova ng Russia.