PBA player naaksidente

NAYUPI ang harapang bahagi ng sasakyan ng PBA player na si Rey Nambatac nang maaksidente kamakailan.

Ibinahagi ni Kisha Ancheta sa Facebook ang larawan ng sasakyan ni Nambatac, player ng Rain or Shine Elasti Painters.

“Thank you Lord sa 2nd life ni Rey,” caption ni Ancheta.

Gayunman, hindi binanggit ng girlfriend ni Nambatac kung nagtamo ng sugat ang player.

Agad namang napakomento ang mga nag-aalalang fans ni Nambatac.

“Naku thank God. Ingat always Rey Chan Nambatac. Magpapasko pa naman. Keep safe!!”

“Get well soon idol Rey Chan Nambatac ingt sa susunod god bless always.”

“Thanks be to God for saving Rey!”