YouTube star nagsori sa ‘pambababoy’ sa Blackpink

HUMINGI ng paumanhin ang YouTube celebrity na si Mimiyuuuh sa mga fans ng Blackpink ukol sa kanyang vlog kung saan niya ginawang katatawanan ang mga miyembro ng K-pop supergroup.


Sa pinned comment sa kanyang vlog na “Mimiyuuuh as Lisa Manoban for a day,” sinabi ni Mimiyuuuh na wala siyang intensyon na babuyin ang Blackpink.


“Hi guys! I hope you are all safe and sound! I deleted the parts that are offensive especially to Rosé and her fans. I did not mean to offend anyone! This video was supposedly made purely for entertainment but I overlooked some skits that may upset the blinks. It doesn’t change the fact that I love these girls. I’m so sorry and this will never happen again. Take care and keep safe!” aniya.


Kasama sa inalis na bahagi ng vlog ni Mimiyuuuh ang skit kung saang sinabi niya na may kuto si Rose dahil sa papalit-palit na kulay ng buhok nito at ang tila pagmenenos nito sa album ng nasabing Blackpink member.


Itinanggi naman ng YouTube star na ginagamit niya ang Blackpink para sumikat.


Sabi niya, 2016 pa lang ay sinusuportahan na niyan ang girl group. “I’ve been here since ‘Whistle’ and ‘Boombayah.’ I’ve been supporting them since,” dagdag ni Mimiyuuuh.