12 umakyat ng bundok, timbog; isa positive sa Covid-19

POSITIBO sa Covid-19 ang isa sa 12 katao na hinuli habang umaakyat sa Mount Talipao sa Palauig, Zambales kamakailan.


Ayon sa pulisya, dinampot ang mga trekkers dahil sa paglabag sa health protocols at lokal na ordinansa.
Isinumbong ang grupo ng isang residente na nakita silang bumaba sa isang van at umakyat ng bundok noong Linggo.


Walang maipakitang clearance ang grupo kaya dinala sila sa police station.


Doon ay isinailalim sila sa swab test at lumabas na isa sa kanila ay positibo sa virus. Hanggang ngayon ay naka-quarantine pa ang grupo.