Ate Gay tinamaan ng pneumonia; humihingi ng dasal

KINUMPIRMA ng kapatid ng standup comedian na si Ate Gay o Gil Morales sa tunay na buhay na nadiagnosed ito na may pneumonia.

“Medyo nagre-react naman ang mga gamot sa katawan niya as of now. May development naman. Sana po tuloy tuloy,” chika ni Mary Ann Morales.

Ayon pa sa kanya, humina ang immune system ni Ate Gay pero ngayon ay medyo umookay na.

“Kahit papaano nakakausap na siya, medyo lumalakas na po nakakatayo,” dagdag pa niya.

Unang nagpost si Ate Gay na naka-confine siya sa ospital na may praying-hand emojis.

Humihiling ng dasal si Ate Gay sa mga fans at kaibigan nito para sa kanyang fast recovery.

Sinasabi na bukod sa pneumonia ay tumaas din ang blood sugar ng komedyante.