Yorne nami-miss ang showbiz dahil sa bonggang talent fee

INAMIN ni Manila Mayor Isko Moreno na miss na miss na niya ang showbiz dahil dito siya nagsimula at unang nakilala.


Pero gusto rin niyang magbalik-pelikula dahil sa talent fee at hindi ito mabigat na trabaho.


“Nakaka-miss ‘yung (showbiz) kasi you get paid to wait,” ani Moreno sa panayam ni Karen Davila.


“Call time ko alas-9, makukuhanan ka ala-6 na ng hapon pero you get paid for the day. O ‘di ba masarap na trabaho ‘yun?” dagdag niya.


Given the chance, sino naman gusto niyang makapareha sa pelikula?


“Kaya lang may asawa na, eh. ‘Yung sa Showtime, si Anne Curtis. At saka si Bea Alonzo,” sey ni Moreno.


Bibida ang alkalde sa biopic ng bayaning si Andres Bonifacio. –A. Mae Rodriguez