Adik na hostage-taker tumba sa parak

PATAY nang makipagbarilan sa mga pulis ang lalaki na nang-hostage ng bata sa San Rafael, Bulacan ngayong araw.


Hindi kinilala ang nasawi na ayon sa mga kapitbahay ay isang talamak na adik.


Lumitaw sa ulat na na-praning umano ang suspek at pumasok sa bahay ng biktima, 5, saka niya ito tinutukan ng baril.


Tinangkang pasukuin ng mga alagad ng batas ang suspek pero lalo umano itong nagwala kaya pinaputukan.


Nakuha sa suspek ang baril at isang sachet ng shabu.