WALANG KASAL: Confirmed, Bea Dominic hiwalay na

KINUMPIRMA ngayong Martes ni Boy Abunda na hiwalay na nga sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi ni Abunda ang malungkot na balita tungkol sa pinakalamaking hiwalayan ng taon.

“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera. So, I was shocked,” ayon kay Abunda.

“As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea,” ayon pa sa host.

“Kung tama po ang aking source, isinaoli na [ni Bea] ang engagement ring [kay Dominic],” dagdag pa nito.

Umaasa naman si Boy na magkakaayos pa ang dalawa.

“They’re going through a rough patch…may God grant them what’s best for them,” pahayag pa ng host.