VP LENI NAKIPAGKULITAN KAY ALEX GONZAGA; NETIZENS TUMAAS ANG KILAY

NAKIPAGKULITAN si Vice President Leni Robredo sa actress-TV host na si Alex Gonzaga sa vlog nito.

Ikinagulat naman ng mga netizens ang paandar ni Alex dahil kilalang DDS siya at kanyang ate na si Toni Gonzaga. Chika ni Alex sa vlog niya, marami ang nagsasabi na kamukha ng kanyang mommy na si Pinty si VP Leni.

Kwento pa niya na nagbakasali lang siya na i-guest si Robredo sa kanyang vlog kaya hindi niya inasahang papayag ito. Nagulat din siya nang malaman na fan niya ang VP.

Dagdag ni Alex, humingi pa siya ng selfie ni VP para kumpirmahin na ito nga ang kausap niya. Hindi siya makapaniwala na game na game na ito. Hindi naman na-impress ang mga netizens sa vlog ni Alex at agad binatikos ang actress-TV host.

“DDS yan si Alex jusko wag magpaloko jusko talaga,” sey ng isang netizen. “Gonzaga sisters are IMPOSTORS… HATE THEM BOTH, i smell something kc lapita na botohan… i smell perfume,” saad pa sa isang komento. “Ngek not fascinated with this dds…” Maalalang sinuportahan ng Gonzaga sisters si Duterte noong tumatakbo pa lang ito sa pagkapresidente.