QC MAY 47 ‘SPECIAL CONCERN LOCKDOWN’ AREAS

DAHIL sa patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease, may 47 areas na sa Quezon City ang inilagay sa “special concern lockdown”.

Simula noong March 28, may 18 lugar na naidagdag sa listahan ng mga “special concern lockdown areas.”

Samantalang ang iba ay noon pang Marso 12 ang masugid na binabantayan ng mga opisyal ng LGUs dahil sa dami ng mga kaso ng Covid-19 dito.

Sinabi naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na mamamahagi sila ng mga food pack at essential kits sa mga apektadong pamilya.

Isasailalim din sa swab test at mandatory na 14 araw na quarantine ang mga apektadong pamilya.