JOSE MANALO ‘PINATAY’ SA SOCIAL MEDIA

KUMALAT kahapon sa social media ang balitang namayapa na ang TV host-conedian na si Jose Manalo at ipinalabas pa itong ibinalita sa 24 Oras ng GMA-7.


Kaya agad namang lumutang ang broadcaster at news anchor na si Arnold Clavio para itanggi ang balita.


“Ang dami talagang oras ng ibang tao para gumawa ng masama sa kapwa… Buhay na buhay po si @josemanalo … Kausap ko at baka mauna pa raw yung gumawa nito… #fakenews,” ani Clavio sa kanyang mga social media accounts.