Vhong flinex pagrampa ng anak sa Star Magical Prom

IBINIDA ni actor-TV host Vhong Navarro sa social media ang unang pagrampa ng anak na si Yce King sa event ng ABS-CBN.

“So proud of you Yce King ❤️,” ani Vhong sa caption ng kanyang Instagram post.

Isa si Yce sa mga baguhang umagaw ng atensyon sa Star Magical Prom na ginanap nitong Huwebes ng gabi.

Matatandaan na on cloud na inanunsyo ni Vhong noong nakaraang buwan na kabilang na ang anak sa cast ng Kapamilya action-serye na “FPJ’s Batang Quiapo.” Si Yce (Isaiah Lapus Navarro sa totoong buhay) ay anak ni Vhong sa dating aktres na si Bianca Lapus.