Valentino stilleto ni Vicki Belo nasira sa Taylor concert

CELEBRITY dermatologist Vicki Belo nawindang nang madiskubre na natuklap ang suwelas ng kanyang branded silver pumps matapos manood ng “Eras Tour” ni Taylor Swift sa Singapore kasama ang anak na si Scarlet Snow.

“March 3 was Scarlet’s birthday and we decided to celebrate by going to Singapore to watch the “Eras Tour by Taylor Swift,” ani Vicki sa Instagram post.

Matapos ikuwento ang ilang ganap sa concert, ipinakita ni Vicki ang kanyang sapatos na isinuot sa panonood.

“Look what happened to my shoes, such a disaster,” sabi niya. “But overall it was worth it because it was such an amazing concert,” dagdag ng misis ni Hayden Kho.

Ayon sa isang website, nagkakahalaga ng $466 o P26,000 ang sapatos Vicki na isang Valentino silver mirror leather pumps. (Vicki Belo/IG)