Trina Guytingco tinawag na ‘rumored boyfriend’ si Joshua Garcia

TINAWAG ng basketball player na si Trina Guytingco si actor Joshua Garcia na “rumored boyfriend” matapos ang usap-usapan na siya na ang bagong partner ng aktor.

Nagpost si Trina ng vacation trip nila kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Alora Sasam at iba pang kaibigan ng mga ito.

“Nice shot,” komento ni Joshua.

“Thanks rumored boyfriend,” sagot naman ng una.

Nagkaroon ng espekulasyon na mag-on ang dalawa matapos makita ang mga pictures nilang dalawa sa trip sa El Nido kasama sina Kath at DJ at iba pang artista.