Sports car sorpresa ni Whamos sa partner

NANLAKI ang mata at hindi makapaniwala ang social media personality na si Antonette Gail sa regalo sa kanya ng partner na si Whamos Cruz.

“Mahal,” ani Whamos sabay abot ng susi ng sasakyan.

“Ano ‘to? Akin? Luh!” sambit ni Antonette.

Wala naman siyang nasabi nang makita ang sasakyang regalo ni Whamos: isang Mazda MX-5 na may presyong naglalaro sa P2.35 million hanggang P2.85 million.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Whamos na “deserved na deserved” ni Antonette ang sports car dahil napakabuti nitong tao.

“Kung alam n’yo lang kung gaano kabait sa magulang si Antonette, kung gaano kabait na asawa si Antonette? Kung alam n’yo lang talaga,” wika niya. Dagdag ni Whamos, dahil napasaya niya si Antonette